Google
We are accepting donations

Sunday, December 23, 2007

A Letter from Bebang

Her name is Bebang, a registered nurse in L.A. who brought her mother there for some much-needed medical treatment. Unfortunately, her Nanay did not survive. In order to save from further expenses, however, Bebang decided to stay in LA and just send her deceased mother’s remains back to the Philippines.

Back home, and as soon as the coffin arrived, family members noticed that dead Nanay’s face was fixed tightly on the glass like it was picture-framed. So they opened the coffin in order to re-position the corpse. To their surprise, a letter was stapled on Nanay’s chest. The following was its content:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod…

Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karne-norte at isang dosenang Spam. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi natunaw. Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, Japanese version ng Pokemon trading cards at stickers. “Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga ‘yan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tig-da-dalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagba-basketball. Tig-da-dalawang ream ng Marlboro lights at Winston Red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jars ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kili-kili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder Bra (Victoria’s Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo, Kuya, para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebang

This classic tale was originally seen in an article from Jeanne Tan Te of Sun Star Iloilo, and was taken from Jalex’s blog, which in turn was taken from JC Mae’s blog. I decided to post this since I thoroughly enjoyed reading it a long time ago, and I wanted to share it with those who haven’t read it yet.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Your Ad Here Click here to join ugg
Click to join ugg